Since I don't frequent Morato that much, mga kasama ko nalang ang nagdecide kung saan kami pupunta. Keri lang naman sa akin kahit saan eh.
We ended up in Johnny Rockets.
The place reminds me a lot of 50's Dinner back home in Baguio. The price, not so much dahil medyo mahal ang food dito sa Johnny;s.
Natuwa ako dito sa Jukebox pero hindi ko alam kung gumagana talaga siya. I didnt bother to check. Hindi ko rin alam kung para saan yung aparador na nasa tabi niya.
May instructions na nakasulat dito na pag naglagay ka ng piso at pinindot mo yung number ng song na gusto mo eh mag plaplay siya.
Naglagay si James ng piso.
Hinintay namin ang music.
Dun namin na-realize na props lang pala yun sa table hahaha.
At some point, may tutugtog na music at sasayaw ang mga waiter at waitress. Nakakatuwa, they were dancing YMCA here. Feel na feel nilang sumayaw in fairness.
Mukhang masayang mag work dito kung may mga ganyang eksena. Sigurado papayat ako.
Etong si kuyang waiter, pinagdidiskusyonan namin kung straight ba siya or hindi. In fairness gwapo si kuya. He's the maputi and matangakad type. Hindi ko lang mapicturan ng maayos kasi baka makahalata siya ahihihi
Ang arte ng pagbigay nila ng ketchup ano? May design pa talaga pero natuwa ako kasi si kuyang gwapo ang nagbigay.
Natuwa ako sa mga baso nila for some reason. You don't see coke glasses like that anymore.
Eto ang magandang part, may kamahalan man ang lafang, unlimited naman ang fries and soft drinks. Pero sa laki ng fries nila, isang serving palang busog ka na.
Ayan pare-pareho kami ng inorder. "The Original Burger".
Sabi ni Ishy wag ko daw ipost sa FB yung picture niya na to. Ok, pero wala siyang sinabi na hindi ko to pwedeng ilagay sa blog ko wahahaha. Mukhang natuwa din siya sa burger no?
Si James, Your humble blogger, at si Maynard.
Si Jeff, Ishy, at Mae.
Hindi maayos tong picture na ito dahil shushunga-shunga yung kumuha. Sayang, ang ganda pa naman ng smile ni ate na naka red polka-dot dress.
This is the second time na nakasama ko tong mga to. First time was nung nag divisoria kami. Masaya silang kasama, walang tigil ang tawanan.
To sum it all up, naging masaya ang gay's night out namin. Food. Drinks. Gays. How could things go wrong?!
1 comment:
Actually that thing on your table should let you choose what song is going to play sa jukebox, there's the same thing in the Eastwood branch and it works.. ;)
Post a Comment