May na-award nanaman ako.
Ganito kasi yun, nasa isang office supplies store ako malapit sa office namin.
May kailangan akong bilhin at dun ako pumunta kasi sila lang ang nagbebenta nung kelangan ko.
Hindi ko na sasabihin kung ano binili ko. Hindi yun ang point ng story.
So ayun, nakuha ko na yung kelangan ko kaya pumila na ako.
May nauna sa akin sa pila at konti lang naman bibilhin niya so keri lang sa akin.
10 minutes...
20 minutes...
30 minutes...
Abay nakapila parin ako.
Ayun pala, yung isang bibilhin ng nasa harapan ko, hindi nirerecognize ng scanner nila yung bar code.
Or so I thought.
I was getting REALLY impatient which is a very bad thing.
Naisip ko nang umalis pero kelangan ko talaga yung bibilhin ko.
After another 10 minutes biglang tumunog yung machine keme nila.
Ayun naman pala eh, mali ang pagsca-scan nung nasa cashier.
So finally ako na ang magbabayad. Mainit parin ang ulo ko kasi kanina pa ako nakapila and I hate hate hate waiting in line.
Nung nakita ko na yung babayaran ko, naglabas ako ng 500.
"Sir wala ba kayong lower bill? Wala kaming panukli eh", sabi ni ateng cashier.
Nagpanting ang tenga ko.
"Problema ko ba yon?! Kung may barya ako, yun ang dapat na binigay ko sayo at hindi buo", I said in the most sarcastic tone I could muster at that moment.
Seriously, that's one of the few things na pag nasasabihan ako eh nagsusungit talaga ako.
Proproblemahin ko pa ba na wala silang panukli? Ako nga ang bibili diba? Kung ako rin ang mamromroblema sa panukli eh di sana nagpalit nalang kami at ako nalang ang magtatayo ng negosyo at siya ang mamimili.
Na-stun ata si ate at hindi umimik ng mga 5 seconds. Biglang may kinalikot si ate sa cashier at aba surprise surprise may panukli naman pala eh.
Babanatan ko pa dapat eh pero nagpigil nalang ako. Poise Anton. Poise.
I normally try to control my temper in situations like this but there are times when I slip and just lose it.
Nung inabot niya sa akin ang sukli ko, lumabas ako ng store at eto nalang ang nasabi ko sa sarili ko,
"I really need to find another place that sells this."