Sunday, February 26, 2012
On A Thursday Afternoon
Nasa smoking area kami ni Aludra ng isa sa mga building dito sa QC.
Dahil medyo busy kaming dalawa, we haven't really talked or seen each other in days.
Finally, nagkita narin kami.
Napakwento ako sa kanya.
"Nalilito ako. Nahuhulog na ba loob niya sa akin?", tanong ko kay Aludra.
"Wag kang assuming puta ka. Hindi ka assumpsyonista. Louisian ka.", sagot niya sabay tawa.
Napatawa din ako ng malakas.
"Eh hindi ko kasi alam kung ano kaming dalawa eh.", bigla kong sinabi.
"Alam mo ikaw, enjoyin mo muna kung ano mang meron kayo. Mas mabuti yang ganyan. Walang commitment. Walang complications."
Natahimik ako.
"Alam mo namimiss ko din yung ganyan. Mga kilig moments. Yung tipong pag kausap mo siya, masayang masaya ka na parang nababaliw. Yung maisip mo lang siya, mapapangiti ka nalang bigla. Siguro nga, magulo sitwasyon niyo in a way pero hindi naman kelangan maging complicated eh. Just enjoy the moment. Go with the flow sabi nga nila.", bigla niyang dinagdag.
I was caught off guard by what she said. I felt the emotion in her words.
I didn't know how to react but I knew that she was right.
"Kunsabagay. I don't think I'm ready for any commitments yet."
"Kaya nga enjoyin mo nalang muna kung anong meron kayo."
And that is what I am trying to do.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment