Wednesday, November 9, 2011

Venga Ilocos


Matapos ang halos isang linggo, pumayag narin ang boss ko sa nirequest kong vacation leave sa December. Sabi ko bibisitahin ko si fader sa Ilocos. In fairness sabi ko naman sa boss ko na I can work while I'm there pero sabi naman niya wag na daw. Enjoyin ko nalang daw bakasyon ko.

Hindi kasi makakapunta dito si Mama, eh ayokong maulit yung nangyari last year na magisa ako Christmas eve kaya uuwi ako ng Laoag kina Papa.

Ganito kasi, nagulat ako nang kausapin ko ang mga taga HR, ang dami ko papalang leave eh hindi lahat yun pwede kong i-carry over next year. Kung di ko siya gagamitin, mafoforfeit. Very wrong, hindi pwede. No no no no.

Kaya last week nag-email ako sa boss ko at nagpaalam ako kung pwede akong mag leave. Sabi niya pagiisipan daw niya. Kanina nagbigay na siya ng go signal.

Havey na havey.

The reason kung bakit ang dami kong leave eh mula nang nalipat ako sa current na position ko, hindi ako madalas mag leave. Oo nagbabakasyon ako pero tinatapat ko lahat sa day off ko para isa or dalawa lang ang magamit ko sa leave credits ko. At dahil diyan, dumami siya ng severe.

It's times like this when I see how lucky I am at the job I currently have. I have the perfect job, well perfect for me anyway, and I have a great boss who trusts me. Ano pang hihilingin ko diba? Well, mas malaking sweldo siguro hihi.

So get ready Laoag City. Come December, Adamsplanet will be painting the town red. Well, Titanium Red.

To my boss, who I'm sure doesn't read my blog, thank you for approving my request to go on leave. You the man!

No comments: