Dahil dumadami na ang mga agent para sa call center, may dumating na mga bagong unit. Nakita namin ni Bongga ang bagong mga monitor, in fairness nainggit kami. So inikot namin ang buong office at hinanap ang IT manager at tinanong namin kung pwedeng ipalit ang mga monitor namin. Pumayag siya. Wala daw kaso yun.
Technically wala namang gagastusin ang office since pagpapalitin lang naman ang mga monitor namin plus mas kelangan namin ni Bongga ang ganyang monitor since narorotate siya. Mas madali para sa akin mag-proof read at gumamit ng excel dahil sa powers of rotation ng monitor na yan. Naitataas-baba din yang mga monitor. Shalan lang diba?
Maliban sa bagong monitor, na-upgrade na ang OS ng PC ko. Windows 7 Professional na siya. Lahat kasi ng computer sa office, naka Windows XP which honestly for me is a very archaic operating system.
Ang alam ko, kaya naka Windows XP ang mga PC sa office ay dahil may mga programs na kelangan ang mga call center agent na hindi compatible sa Windows 7. Kung anong programs man yun eh hindi ko alam at wala akong planong malaman since it does not concern me.
At dahil hindi na ako part ng call center, I don't use any of their tools. Ang madalas ko lang naman gamitin eh ang Office Suite and everything else, I can access online.
At dahil sa kadahilanang yan, nirequest ko kung pwedeng i-upgrade ang OS ko since sanay talaga ako sa Windows 7. Sabi ko I would be more productive ahahaha. In fairness pinayagan naman.
It's the small things like these that makes me love my job.
Although, I would love it more kung tataasan ang sweldo ko, but for now, I'm happy with my new monitor and OS. Nakaka ganang magwork.
Pagbigyan niyo na ako dear readers, mababaw lang ang kaligayahan ko eh.
1 comment:
swerte mo. hihi. yung sa dati kong company, naka windows 98 pa sila. putek, so jurrasic! lol congratulations sa iyong rotating monitor and new OS. :)
Post a Comment