Saturday, March 9, 2013
Na-Wrong Send Ako
Isang araw ay kausap ko sa Skype ang isa sa mga manager dito sa office.
May mga dapat kasi kaming gawin that day at medyo tambak kami ng trabaho.
Ang isa sa officemates ko, itago natin siya sa pangalang Marcel, ay todo reklamo at todo react. Kesyo kelangan daw niyang umuwi, ayaw daw niyang mag overtime, keme keme and all that shit.
So kalagitnaan ng usapan namin ni manager, pero ka chat ko din si Marcel sa Skpy dahil may tinatanong siya sa akin about something.
Type... type... tuloy ang usapan...
Pinaguusapan namin ni manager si Marcel.
"I dont know what Marcel is complaining about. Marcel is nice and all but sometimes he can be annoying as hell!", tinype ko.
Click ang Enter key.
Nagsend ang message.
"Bakit mo sa akin to sinabi?", biglang reply.
Pagtingin ko sa pangalan, Marcel ang nakasulat.
Nanlamig ang buong katawan ko.
"Oh shit!", sabi ko sa sarili ko.
Kay Marcel ko nasend yung message. Award!
Tumingin ako kay Marcel. Nakatingin siya sa PC niya. Mukhang naghihintay sa kung ano ba ang isasagot ko dun.
"Kasi reklamo ka ng reklamo. I know where you're coming from pero nasabihan tayong lahat na magstay muna dito habang tinatapos yung update. Message ko yan kay manager. Para alam mo narin kung ano yung sinabi ko sa kanya.", reply ko.
Eh nahuli na ako eh. Alangan naman magsinungaling ako.
Pinanindigan ko na.
"So now I know I am annoying" reply ni Marcel sa akin.
"Yes you are." I replied. "But like I said, you're nice naman. It's just those moments when you become more annoying than usual." I added.
He explained kung bakit siya nagrereklamo. Masakit daw tiyan niya.
Mmkay... sabi niya eh. I still cannot see the connection up to this day. Pero sige nalang.
Lesson learned: tignang mabuti kung kanino sinesend ang messages sa Skype. O kaya wag ako masyadong mataray. I prefer the first one :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
IT was nice experience. we had almost the same experience. good thing human knws how to scapegoat
Post a Comment