Thursday, July 5, 2012

Half Day At Work

Kahapon, pagdating ko sa office, medyo masama na ang pakiramdam ko. Kaya pa naman ng powers ko kaya ako pumasok sa office. Pero habang tumatagal medyo nanghihina na ako.

Pagdating ng 2pm, tinanong ko ang boss ko kung pwede akong umuwi ng mas maaga dahil medyo hindi ko na kaya. Naintindihan naman niya kaya keri lang daw. May mga tinapos lang ako and by 3pm, umalis na ako ng office. Oh diba? 10am ang pasok pero by 3pm lumayas na ako.

I don't really go home early even if I'm not feeling well pero kahapon medyo di na kaya ng powers ko kaya kelangan nang umuwi. 

Dumating ako sa bahay ng mga 4, kumain ng konti dahil in fairness gutom na ako nun. Tnxt ko si Gregory at sinabing nasa bahay na ako at masama ang pakiramdam. By 4:30, borlogs na ako.

Nagising ako ng 9:30. Ang una kong ginawa eh chineck ang phone ko. May mga txt si Gregory sa akin. Medyo nagaalala.

Nagreply naman ako para malaman niyang buhay pa ako.

Nagtxt siya at sinabing pupuntahan ako sa bahay at magdadala ng food. Alam kasi niyang pag may sakit ako, wala akong ganang kumain at kesehodang 3 days pa yan, pag wala akong gana, hindi talaga ako kakain. Promise, kung every week lalagnatin ako na tatagal ng 3 days each. In  one or two months, siguro dose na ulit ang bewang ko.

Dumating siya, magaalas onse na. Galing office, nagovertime, bumili ng food, at traffic pa.

Ang nirequest ko eh mushroom soup from KFC. Eto ang binili:


Ang sweet niya no?

Instead na umuwi na at magpahinga, dumaan muna sa bahay at sinamahan akong kumain.

After naming kumain, nanood kami ng RuPauls Drag Race, ang isa sa aking bagong addiction ngayon nang dahil sa kanya.

Magkayakap sa malamig na gabi dahil umuulan. After one episode, kailangan na niyang umuwi dahil gabi na at may trabaho pa siya kinabukasan.

Pero bago siya umalis, yumakap siya ulit sa akin ng mahigpit at sinabing ayaw pa daw niyang umuwi talaga.

Mas gusto daw niyang kasama ko na matulog.

Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi daw siya sweet at malambing.

Ang sagot ko naman sa kanya lagi, hindi lang niya napapansin na sweet siya at naglalambing. It just comes out naturally.

No comments: