Saturday, February 11, 2017
Paano Mag Move On?
"Paano ka mag move on? Paano mo alam na okay ka na?"
Yan ang madalas na tinatanong sa akin ng mga kaibigan ko. They know how I handle breakups. Dalawa lang kasi yan eh. It's either magdradrama ako to the highest level, which means matagal bago ako makapagmove on, or maihi lang ako at okay na ako ulit. O diba? Walang grey area.
Ganun talaga eh, there are some people na mas matimbang (in a way) kaya mas masakit pag nawala sila. But the million dollar question is, paano nga ba mag move on? Magbibigay ako ng example based from my own personal heartbreak(s).
Sa lahat ng mga minahal ko noon (oh my God, how cliche), dalawa lang ang iniyakan at drinamahan ko ng severe. Yung eksenang may walling, may paghatak sa mga kurtina, yung tipong umiiyak ka habang sinisigaw ang "Ayoko na! Ang sakit sakit naaaaa!". It was my first boyfriend, who we will call Phil, and si Matt. Sila lang talaga ang nakapagpalabas ng soap opera moment ko. So far :).
Si Phil, tatlong buwan na araw araw akong umiiyak. Yung tipong naglalakad ako sa school tapos maaalala ko siya tapos marerealize ko na tumutulo na pala ang luha ko kaya tatakbo ako papuntang CR at magkukulong sa cubicle habang tahimik na umiiyak. Of course, may kasamang walling ito kung malinis yung CR. Siguro nasa mga 4 years bago ako tuluyang nakamove on. True story.
Si Matt naman, walang masyadong iyakan na naganap. Pero everytime na umiyak ako, masakit. May halong kirot. Minahal ko siya ng bongga eh. Ewan ko ba kung bakit, hindi naman naging kami. Hindi kasi pwedeng maging kami dahil may sagabal sa kaligayahan. Pero wala, minahal ko yung kumag na yun eh. Sa kanya naman, mga 3 years bago ako nakamove on. O diba ang tatagal? Pero paano ko nga ba narealize na nakamove on na ako?
I knew someone who was once in the same boat as I was. Ang dakilang writer at idol ko na si Bookie. I asked him how to get over Matt. His advice didn't make much sense at that time but eventually it did. Ang sabi niya, 'just ride the emotions. All you need is time.' I understood where he was coming from but I just couldn't see how time would make things better.
But now I can say that he was right. Time is all you need. It's what we all need. Some people choose to distract themselves or create crutches rather than facing the reality that they will have to move on at some point. Instead na hintayin na magsubside ang feelings, pipiliin nilang ikain ang feelings nila or idate at ikama lahat ng lumapit sa kanila. I know because I tried that. I've been there.
Eventually, I decided to just ride the waves of whatever emotion I was feeling and one day I realized na okay na ako. Seryoso.
Totoo pala talaga yang time heals all wounds keme na yan.
So ngayong panahon ng mga puso, I know maraming tulad ko na single dyan. Yung iba happy, yung iba trying to be happy, yung iba bitter, yung iba wapakels. Pero meron din kasi yung mga umaasa pa. Ang masasabi ko lang, kung sa tingin mo kaya pa, sige kapit ka pa ng konti pero dapat alam mo rin pag oras nang bumitiw. Sabi nga ni Inang Elsa, Let It Go.
Hindi ka makakapagmove on kung hindi mo hahayaan ang sarili mo na mag move on. You cannot keep clinging onto the past. Hindi mo ikakaganda ang pagiging martyr. Hindi ka papatayuan ng rebulto just because you choose to keep waiting for something that may never happen. Haggard, bes.
Mahirap mag move on, oo totoo yan. Pero kaya mo yan. I believe in you. Give yourself time kasi yang sakit at hinagpis na pinagdadaanan mo ngayon, may expiration date yan. Parang yung lata ng spam na nasa kusina na ayaw mong buksan kasi namamahalan ka and para lang dapat sa special occasion. Mageexpire yan. I swear. Mamatay man yung kapitbahay ko. Hintay hintay ka lang dyan.
One day you'll wake up and realize na okay ka na. Ganern.
Happy Valentines day to all of you.
Love,
Adam
Subscribe to:
Posts (Atom)