Tuesday, March 18, 2014
Ang kwento ni Medyo-Malanding-Kitty Part 2
Pag-dating namin sa bahay, hindi parin makaget over ang lahat sa nangyari. Nakakaloka si Medyo-Malanding-Kitty.
Hiniram ni Sven and Nintendo DS ko at naglaro sa isang sulok, si Diva naman ay inaantok kaya umidlip muna sa sofa. Kami ni Dyosa ay tumambay sa dining table para magyosi. Pinaguusapan parin namin si Medyo-Malanding-Kitty.
"Hindi ba siya nahihiya sa mga ginagawa niya?" sabi ni Dyosa na halatang nakukunsume dahil sa nangyari.
"Eh alam mo naman yun, walang delikadesa sa katawan. Saka anong magagawa natin. Nakatikim at nagustuhan, ayan tuloy gusto na niyang tikman lahat," sagot ko sabay sindi ng yosi.
Hindi maka-get over si Dyosa. Affected si bakla.
"Hindi pwedeng ganyan na pinagsasabay niya. Okay lang kung pa-isa-isa pero yung ganyang pinagsasabay niya lahat, paano kung magkasakit siya?"
"May antibiotics," sagot ko na walang kagatol-gatol.
"Paano kung mabuntis siya?!"
"Malay mo baog or yung lalaki ang baog," sagot ko sabay hit-hit ng yosi.
"Sana nga."
"Saka kung mabuntis siya, kawawa yung bata. Lukaret ang magiging nanay niya."
Napatawa kaming dalawa ng malakas.
"Alam mo ang problema kasi eh kinukunsinti niyo. Lalo na yang si Diva," sabi ko sabay turo sa kanya.
"Sila," sagot ni Dyosa. "Jusme hindi uubra sa akin yang mga ganyan ni Medyo-Malanding-Kitty."
"Eh ang masama pa, pag may nangyari sa kanya, sino ang masisisi? Si Diva. Kasi kaibigan niya. Siya yung sisisihin ng magulang ni Medyo-Malanding-Kitty."
"Hindi nga?!" tanong ni Dyosa.
"Oo," sagot ko. "Nangyari na yun dati. Basta may kagagahan gawin yang si Medyo-Malanding-Kitty, si Diva ang napapagalitan. Siguro titigil lang si Diva sa pangungunsinti kapag umabot sa point na siya na yung mapahamak."
"Paano?"
"Ewan. Siguro yung mabuntis si Medyo-Malanding-Kitty tapos sugurin ng magulang niya si Diva dahil hindi binantayan. As if naman may power si Diva na kontrolin ang batcave ni Medyo-Malanding-Kitty."
Nagpatuloy ang usapan namin ni Diva ngunit gabi na at may pasok pa ako kinabukasan.
Nagpaalam na sila at umuwi sa kani-kanilang mga bahay.
Kinabukasan, habang pauwi ako galing trabaho, nagtext si Dyosa.
"Punta kami nila Diva sa bahay mo."
"Sige", aking reply sa text.
Pagdating ko sa bahay ay nandun sila sa gate at hinihintay ako.
"Nagtext si Medyo-Malanding-Kitty," sabi ni Diva.
"Ansabe?"
"Im depressed, andyan ba kayo kina Anton? Pwede ba akong pumunta dyan?"
"Anong sagot mo?" tanong ko.
"Pumunta ka ng adoration chapel."
Napatawa ako ng malakas.
"Anong sabi pagkatapos?"
"Hindi na nagreply."
Humagalpak kaming lahat sa kakatawa.
"Eh paano nga kung pumunta siya dito sa bahay mo?" tanong ni Dyosa.
"Unang-una, dapat ako ang tanungin niya dahil bahay ko 'to. Pangalawa, hindi pwede. Banned siya sa bahay ko," sagot ko in my best Senyora Santibanez accent.
"Ha?! Baket?!" tanong nilang lahat.
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment