"Anong nangyari?!", aking tanong.
Bigla daw kasing kumaripas ng takbo ang isa naming kaibigan, itago natin siya sa pangalang "Medyo-Malanding-Kitty", nang makitang palabas ang mga kasama ko.
"Tinawag ko pa nga siya pero ni hindi lumingon at kunwari hindi ako narinig," sabi ng aking friend who we shall name Diva.
"May kasama siyang lalaki! Sila yung nasa kotseng paalis nung lumabas ka!" dagdag ng isa pa naming kasama na aking papangalanan na Sven.
"Bakit may ganung eksena?" tanong ko.
"Hindi ko nga alam eh." sagot ni Diva.
"Basta nung nakitang papalabas na kami eh nagmadali siya umalis", sabi ni Sven.
Naririnig kong naguusap-usap ang mga tao sa paligid. Eto ang ila sa mga narinig kong sinasabi nila tungkol kay Medyo-Malanding-Kitty.
"Bakit pa niya dinala dito kung ganun din lang?"
"Boyfriend ba niya yun? Mukhang bading naman."
"Ang bilis tumakbo nun, tumaob pa yung upuan. Nagpanic bigla."
"Nako pinaparada lang niya yan. Nagpapapansin nanaman yan."
Sa isip-isip ko nung mga oras na yun, "Jusme Medyo-Malading-Kitty, ano nanabang kahihiyan tong pinasok mo?"
Ganito kasi, si Medyo-Malanding-Kitty ay isang kaibigan namin na although mabait naman, medyo maluwag na ata ang mga turnilyo sa utak niya. Medyo lang. Sa sobrang pagnanais niya na magka jowa, eh kung ano anong mga kagagahan ang ginawa niya.
We try to intervene when we can to let her know na mali ang ginagawa niya. We've also told her na hindi kailangan malaman ng buong mundo na nakipagsex siya kahapon, last week, kanina lang at kung ilang oras, ilang beses and every other sordid details there are. Kung maka-announce naman kasi si lola eh nakakaloka, abot hanggang kabilang bundok.
Eh kaso, waley. Kasi naman. Dapat eh kalma kalma din sa kakatihan minsan.
"Ayan na! Nagtxt na siya sa akin!" sigaw ni Diva.
"Ansabe?" tanong ko.
"I'm sorry. You can't meet him yet. Hindi siya yung 21 year old." basa ni Diva sa txt ni Medyo-Malanding-Kitty.
"Eh sino yan?" tanong ko.
Biglang nilapit sa tenga niya ang phone. Tinatawagan na pala ni Diva si Medyo-Malanding-Kitty. Pagsagot niya sa phone, bigla kaming nagingay habang nageexplain siya kay Diva.
"Ano na bakit ka umalis?" sigaw ko.
"Hoy loser bakit ka nagmadaling umalis?!" sigaw nung ibang kasama ko.
Sinenyasan kami ni Diva na magsitigil kami.
"Grabe bakit siya pumapayag ng ganun? Hindi maganda yang ginagawa niya na yan na papalit-palit. Paano pag nagkasakit siya dahil dyan?!" biglang sabi ng isang kasama namin. Itago natin siya sa pangalang Dyosa.
"Hayaan niyo," sabi ko. "Desperada eh."
"Eh delikado yang ginagawa niya eh!" sagot ni Dyosa.
"Eh wala nga tayong magagawa!"
Matapos magyosi ay napagdesisyunan naming pumunta sa bahay ko. Mula byahe pauwi hanggang makarating kami sa bahay eh si Medyo-Malanding-Kitty parin ang pinaguusapan namin.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment