Sunday, August 22, 2010

Rewind and Fastforward...

The other day I received a text from my mom asking me how to open the gate. Apparently she was in town. Sa loob loob ko, di manlang magtext at sabihing,

"Oi I'm going there" or "Im here in Manila".

Nagulat ako. Pero mas nagulat ako nung sinabi nya na Thursday night pa pala siya andito. Natulog siya sa bahay ng isa sa mga friends nya. Ayun tuloy, nung Friday afternoon after ng Italiannis lunch namin I went to SM North to meet up with my mom.

Naghanapan kami sa department store kasi pinapunta nya ako sa sofa section tapos pagdating ko dun, nasa tables section naman daw sya. Scavenger hunt ba 'to?

Nung finally nakita ko si mama, ayun nakatayo malapit sa mga dining tables, naghahanap ng bibilhin para sa bahay. Bumili sya ng side table kasi ayaw daw nya yung side table nya na binili nya 3 weeks ago na wala pang 24 hours na nagamit nya. After nun pumunta kami ng grocery store para bumili ng supplies at food para sa bahay. Ayan, di ako gagastos para sa food hanggang sa next na sweldo ko hehehe.

Pag-uwi namin sa bahay naglinis kami ng konti tapos nagpahinga na.

Yesterday, ginising ako ni mama para kumain kasi 7am shift ko nun. Aba, nagluto si mama. Natuwa ako kasi my mom hasn't cooked breakfast for me in years. German franks and sunny-side up eggs ang niluto nya. They're super easy to cook but the point of the matter is, nagluto si mama. Ok na sa akin yun.

Last night she went back home so I was a little sad kasi kahit na minsan nakukulitan ako at naiirita sa mama ko eh love ko naman sya. Mama's boy ako eh. Sabi ni mama naglaba daw sya ng konti at narealize nya na ilang taon na daw pala siyang hindi naglalaba. Hahaha.

Natutuwa lang ako kasi I had this flashback to 1998 when we first moved to Manila. It was a one bedroom apartment and it was very small. Pang isang tao lang talaga. She'd cook and clean and do the laundry by herself and since I was 9 years old, wala akong ginagawa kundi manood ng TV. She had bad taste in clothes then, or maybe yun ung uso nung time na yun, I don't remember. I was round and learning how to speak in filipino properly.

Fastforward 12 years later. We're living a much better life, a house in the province, a house in the city in the same village where I grew up. I have a job, my mom has maids to do everything for her. Iba na buhay namin ngayon, but yesterday, I went back to 1998. To a time nung bago kaming dalawa ni mama sa manila. To a time nung kaming dalawa lang. It felt good. It felt amazing. I felt like a child again in more ways than one.

At dahil dyan, good mood ako sa office. Tanungin nyo pa officemates ko.

2 comments:

ilovestevenash said...

What a nice tribute you have blogged about your mom! You are so fortunate to have been blessed with such a wonderful mother.

I recommend the book "For One More Day" by Mitch Albom. It's a good read and will make you appreciate your mom more.

kysthine said...

naks..you are so sweet talaga..mahal ko din ang mama q..mabuhay ang mga nanay!