Tuesday, August 31, 2010

Aba may bago...

... sa office...


Sunday ata nang dumating tong mga upuan na to sa office. Matagal ko nang natanong ang HR kung magkakaroon ba ng mga upuan sa smoking area ng office. Meron daw. August daw. Aba meron nga. August pa naman. End of the month nga lang. Hehe.

Anyway, natuwa naman kaming mga nagyoyosi na may mga upuan na sa smoking area at may table pa. At first glance, they look like they are made out of ratan but they are actually made out of plastic. Maganda naman, and they're really comfy with or without those foam thingy's. Marunong pumili ang mga taga purchasing ah.

Sa wakas, hindi ko na kelangan umupo sa isang gilid o sa sahig pag nagyoyosi ako. Sa wakas hindi ko na kelangan umupo sa may mga mga rails ng smoking area na feeling ko eh mahanginan lang eh makakalas na at mahuhulog kasama ang taong nakasandal dun. 11 floors din ang huhulugan nun no.

Comment lang ha, wag sanang masamain. Sana dinagdagan pa mga upuan na ganito kasi tig dalawa lang bawat smoking area eh in fairness medyo malawak naman ang smoking area at ang madalas gumamit lang naman nun eh mga sunog baga gaya ko. Or lagyan ng isang malaking bench para space saver din diba? Comment ko lang po yun bilang isang mabuting empleyado na ang tanging nais eh ang ikakasaya ng ibang mga empleyado gaya ko.

Ngayon ang kulang nalang eh mini-bar at DJ para party na!

But seriously, I like I like I like these chairs.

No comments: