After months, here's another round of conversations I've had with people.
Lyve: You look crappy.
Me: I know!
Lyve: Oi I said you look crappy ah, hindi you look like crap.
Me: I look crappy and I feel like crap. It's all good.
Lyve: Shot?
Me: Sure.
Lyve: Hahaha.
****
Eden: Baka naman masyadong ma-baby si Parker sayo.
Me: And?
Eden: Baka magsawa ka.
Me: Hindi ano ka ba. Style ko yun para hindi siya maghanap ng iba.
Eden: Hahaha
****
Lyve: My boobs are shrinking.
Me: Maybe its because of the cold.
Lyve: What the?!
Me: Why?
Lyve: Anong tingin mo sa boobs ko?! Parang ****?!
****
Over the phone:
Mae: So ano gagawin niyo diyan?
Me: Orgy.
Lyve: What the fuck?!
Jet: Oh I like that!!!
Ajang: Hmmmm...
Me: Masaya naman ah. Dalawang bakla, isang amazonang bakla at isang lesbiana. It should be a fun night.
Mae: TAMA!
Lyve: Sino yung lesbiana?
Me, Jet, Mae: IKAW!
Lyve: Im not a lesbian.
Me: Alangan naman si Ajang?!
Ajang: Hmmmm...
****
Over Skype:
Parker: Smile like this.
Me: I dont wanna.
Parker: Sige na. Smile like this.
Me: Ayaw!
Parker: Sige na konting pilit pa gagawin mo din naman eh.
Me: Ehhh tumigil ka.
Parker: Please? smile, tilt your head and squint your eyes like this.
*After doing it*
Parker: Hahaha ginaya mo naman.
Me: Sino sa atin ang may screenshot?! Hahaha
Parker: Shet!
Me: Kala mo ah.
****
Me: I have something to tell you.
Chiara: What? You make kwento na kasi.
Me: I have a boyfriend.
Chiara: (silence)
Me: Did you hear me? Are you mad?
Chiara: Yeah I heard you. Im happy for you. But its unfair!
Me: Wha...why?
Chiara: Because you all have boyfriends and I'm still single!
Me: Huh?!
Chiara: Hindi naman ako choosy ah! All I want is a guy na gwapo, who's 5'11-6'2'', may trabaho, with nice eyes, blah blah blah.
Me: Oo nga teh. Hindi ka choosy. Unfair talaga.
Tuesday, November 2, 2010
Relaks, Puso Lang Yan, Malayo Sa Bituka
Because of a friends incessant posting and tagging on Facebook, I got curios as to what this hoopla was all about. I went to Yoshke's blog to read through the article.
Apparently, it's a planner. But not just any ordinary planner. Kinabog ang annual planner ng Starbucks hahaha.
Every year I buy a planner for the sake of it. I've also planned to get a Starbucks planner this year but I dont know how it looks like yet. Sana naman mas maganda siya kesa dun sa planner last year na mukhang binalutan lang ng felt paper.
But this changed my mind. Ayoko ko na ng Starbucks na planner. Masyadong common. Kaya eto nalang.
Di ko alam kung pano siya i-explain, so let these pictures say a thousand words nalang ano? Click on the images to get a closer look at them and to read kung ano yung mga nakasulat.

Ang cover ng mahiwang planner na to.
Ang babala ng planner para sa gagamit
Ang mga napaka-cute na month dividers at guess the movie ang drama.
Syempre dahil planner nga ito, may calendar din.
Ito ang LET GO MOVE ON Tracker na hindi ko kinaya.
Ito ang instructions kung paano mamarkahan ang tracker.
Notepad kung san ka pwedeng mag scribble ng kung ano anong shit.
Love history.
I really love this page in the planner.
Ito naman ang not-so-subtle na contacts page.
Coupons na nakapagpangiti sa akin.
And of course, may horoscope din siya.
The planner costs around 350php and will be available by the end of this month. The distributors are Witty Will Save the World, Co. so just click on that link to go to their Facebook page.
I already told them that I'm gonna order two planners, one for me and one for Parker. Since mahilig magtravel itong si Parker at lagi din siyang busy, a planner should be able to help him sort things out specially with things he needs to finish at work and planning his trips.
I hope he likes it.
If you wanna order/reserve a planner, you can text them at 0906-465-21-91 and just tell them your name and how many would you want to order. Mention my blog too, I'm not getting a discount or anything but still, ipalaganap ninyo ang blog ko.
Monday, November 1, 2010
Goodbye Is Not Always Goodbye
Station ng Victory Liner.
"Tumigil ka na sa pag-iyak dahil any minute now eh maiiyak narin ako!", sita ng Lyve.
Tahimik lang ako.
Nakatingin si Jet sa akin.
Habang hinihintay ang bus ko pabalik ng Maynila, nasa waiting area kami ng Victory Liner.
Nakaupo kami sa pinakadulo. May hawak akong panyo na nakatakip sa aking mga mata at tahimik akong umiiyak.
"Ang hirap lang kasi pagbalik ko dun mag-isa nanaman ako. Ano ang silbi na may pera ako? Ano ang silbi na may bahay ako? Mag-isa naman ako.", paputol putol na sagot ko.
Yumakap si Lyve sa akin. Nakatingin sa akin si Jet.
"Siguraduhin mong babalik ka", paalala ni Lyve.
"Basta tandaan mo sinabi ko. Kung kelangan mo ng kausap, kung kelangan mo ng paglalabasan ng sama ng loob, kung kelangan mong umiyak dahil nag-away kayo, tumawag ka lang sa akin. Alam mo naman ako, I have all the time in the world", sabi ni Jet.
Tahimik parin ako.
"3:30 na", sai ni Jet.
"Tara sa labas, yosi tayo", bigla kong sinabi.
Natawa silang dalawa.
Pagdating ng 3:40 narining ko nang bumusina ang bus na sasakyan ko. Dali dali kaming bumalik sa Terminal. Hinatid nila ako sa may bus mismo at nung nakasakay na ako, saka naman sila umalis.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko nun. Parang may batong nakabara sa lalamunan ko. Pigil na pigil sa pagluha sa bus. Nakakahiya kasi public vehicle yun eh mamaya isipin ng mga pasahero eh nasisiraan ako ng bait.
Magka-text kami ni Parker habang nasa byahe ako. Nakabalik na siya sa kanila ng mga oras na yun.
Sinabi ko kay Parker na naiiyak nanaman ako. Biglang tumunog ang phone ko.
Si Parker tumatawag. Buti nalang naka headset ako.
"How are you?", tanong niya.
"Im okay", sagot ko.
"Are you sure?"
"......"
"Babe?"
"You know me. I'll be fine in a while"
"I've been there Babe. I know how it feels."
"It kills me that I'm leaving. This is the reason why I didn't want to go to Baguio in the first place. I knew it would be hard for me to leave. I just didn't think it would be this hard."
"Dont be sad na. You have me, and Baguio will always be there. Just like me, your friends are just a call or text away. If you feel sad, if you wanna cry, I'm here Babe you know that. I know there are times that I wont be able to reply immediately or answer all of your calls, but you know that I'm here and I'll contact you as soon as I can", he said
I felt a tear run down my cheek.
"Don't be sad because I believe that your friends wont want you to be sad. Yeah they were upset that you left, but do you think they're still crying now? Remember the good times you had with them, memories that would make you smile. Why are you sad anyway? Because they're there? Because you're alone in your house? That's selfish of you babe because you will always have me. Sure Im not with you physically but I'm here and your friends will always be there. We'll go there to Baguio soon. I'll get to meet your friends and they'll get to meet me. I'll be seeing you in a few days as well. So don't be sad. When you're sad, I'm sad because there's nothing I could do to make your pain go away", he added.
I realized he was right. It was good that he called. His re-assuring voice made everything easier for me.
"I don't want you to be sad na. You should be happy because you were able to see your friends after how many months. Kaya smile na babe ko. Wag ka na pong umiyak."
Napangiti ako nung sabihin niya 'to.
Yung sakit at bigat na nararamdaman ko, unti-unting nawala. Bigla kong naalala ang masasayang oras na kasama ko sina Lyve, Jet, Darnell, at iba pang mga kaibigan ko. Naisip ko na magkikita kita pa kami. One of the things I love about Parker is that he knows exactly what to say to make me feel better.
So I left my home once more, but I'll be sure to go back because goodbyes don't necessarily mean forever.
Kaffeklatsch!
The night before I left Baguio, dumaan ako ng Kaffeeklatsch sa may Legarda Road. May set sina Nanay Maan at dahil nagtext siya na pumunta ako.
Grabe hindi parin nagbabago ang lugar na to since I first went there back in 2005.
Kumakanta na sina Nanay Maan pagdating ko.
Bigla ba naman akong nakarinig nang:
"And let us call Anton who is visiting Baguio right now to sing us a song", sabi ni Berna.
"Naku!", bulong ko sa sarili ko.
Kaya pala ako pinapunta dito.
Nung sa Baguio pa ako nakatira, nakiki-jam na ako sa set nila.
At dahil dyan, kumanta ako.
May video pa.
In fairness maganda pala quality ng video recorder ng iPhone.
I never knew that.
Hindi naman halatang kinabahan ako no?! Tagal na akong di kumakanta eh.
One more reason to miss Baguio.
By the way, hindi ko naman na kelangang sabihin kung para kanino yung kanta diba?!
Pak!
Inuman Ulit!!!
"Im meeting Berna at Giligans tonight. Go there because I wanna see you", text ng aking Nanay from Baguio na si Maan.
"Sige po 'Nay", reply ko.
"Berna will call you when she's there na para pumunta ka na dun"
"Sure 'Nay no problem"
Kinagabihan ay nagpunta ako ng Giligans para i-meet sila. Si Maan at Berna ang mga singers ng BeanBag Roasters.
Pagdating dun, yumakap agad sa akin si Nanay Maan kasi ba naman ilang buwan na kaming hindi nagkikita.
"So nasan si Parker?!", tanong niya agad.
"Nasa Bora po", sagot ko.
"At bakit mas pinili niyang pumunta sa Bora kesa samahan ka dito?"
"Kasi Nay, he planned and booked his trip before we even met. Sayang din naman yun. Saka reunion something nila"
"Aba sosyal ah. Reunion lang, Bora pa."
"Hahaha"
"Anak, matanong nga kita"
"Ano yun Nay?"
"Yung totoo ha?"
"Opo"
"Masaya ka ba sa kanya?"
"Opo", sagot ko nang walang pagiimbot. Walang pagaalinlangan.
"That's good", sabi niya sabay ngumiti.
Dumating na sa wakas ang order namin.
Hindi naman nila gustong magpakalasing ano?
Pagdating ng mga bote ng San Mig, napalunok ako.
Jusme, mapapasubo ako nito sabi ko sa sarili ko.
Usapang lasing over beer and cigs.
Ininterogate ako ni Nanay Maan lalo na tungkol kay Parker.
Matapos ang ilang bote ang alak at isang kaha ng yosi, nagpaalam na ako.
"Nay mauna na po ako. Maaga pa ako bukas eh.", sabi ko.
"Sige Anak, dito muna kami may mga darating pa eh", sagot niya.
"Sige po 'Nay"
"Anak, next time na umakyat ka dalhin mo si Parker dito ha para makilala ko na"
"Opo"
Pagewang gewang akong naglakad pauwi.
Pagdating ko sa bahay, humiga ako at nakatulog na agad.

50's Diner with Lyve
Dahil taghirap akong umakyat sa Baguio, nilibre ako ni Lyve ng lunch sa isa sa aking favorite na resto sa Baguio. Ang 50's Diner. I like this place kasi it's ideal kung gutom ka.
Pano ba naman kasi, isang serving nila eh pwede nang pakainin ang isang buong third world country.
And the best part is, it is VERY affordable.
Pano ba naman kasi, isang serving nila eh pwede nang pakainin ang isang buong third world country.
And the best part is, it is VERY affordable.
There's Lyve.
I got a Chocolate Ice Cream Shake and she got Vanilla.
She ordered Chicken Cordon Bleu with a side of veggies and fries.
I got something called Guys On The Hood. Its got Spaghetti, Pizza, Garlic Bread, Chicken, Porkchop and veggies.
Delicious.
After our late lunch, we walked around Baguio.
I missed everything there.
Even Lyve's healthy dose of sarcasm.
Hello Baguio Part 2
"Pupunta ako kina Lyve at magpapagupit ako.", sagot ko
Naligo ako ng sobrang lamig na tubig. Nanginig ang mga laman laman ko. Namiss ko ang maligo nang ganito kalamig na tubig.
Tinawagan ko si Lyve pero hindi niya sinasagot phone niya so either tulog siya or lasing kaya tinawagan ko ang housemate niya at malapit kong kaibigan na si Jet.
Nang sunduin ako ni Jet, isa ring yumakap at sumigaw nang makita ako.
Pagdating sa bahay nila, nagluluto pala si Lyve.
Niluluto niya ang aking favorite na Adobo!
Haaay namiss ko ang luto ng babaeng to.
Pagkatapos kumain, umalis muna ako para maglakad lakad sa Baguio.
Bigla kong naalala na kelangan kong magpagupit kaya dumeretso ako sa kaisa isang tao na nakakagupit sa akin ng maayos. Si Mother Garee. Ang resident stylist ng Malditas.
Pagkatapos akong magupitan, eto ang kinalabasan.
Pasensya na sa eyebags at kung mukha akong haggard na haggard. Epekto ng walang tulog plus 7 hours na byahe.
The whole day I met up with a lot of friends. Sobrang na-overwhelm ako na makita sila.
Nakalimutan ko tuloy magpicture picture.
Pero pansin ko lang ha, halos lahat sila tinatanong kung nasan si Parker.
"Nameet niyo na?! Close kayo? Close kayo?!", sagot ko.

Hello Baguio
Long weekend ako dahil nagsunod-sunod days off ko, naisipan kong lisanin muna ang Maynila.
The day I went to Baguio, pumunta naman ng Boracay si Parker. Dahil petsa de peligro ako, I practically had no money with me. Kwinento ko kay Parker na pinapapunta ako nila Lyve sa Baguio.
"What did you tell her?", tanong ni Parker.
"I told her to give me a thousand and I'll go there immediately", sagot ko sabay tawa.
Biglang nilabas ni Parker wallet niya at binigyan ako ng pera.
"There. So you have no reason not to go. Ayoko na nasa Boracay ako at nageenjoy tapos ikaw nagmumukmok sa bahay mo. So here's the money you need and go to Baguio."
Nagulat ako sa totoo lang. I didnt expect him to give me money considering hindi naman ako humihingi sa kanya at pa-joke yung sinabi ko kay Lyve.
Eh ano pa ba magagawa ko diba?
After Parker left for the airport, I packed my things.
Got whatever extra money I had left.
Cleaned the house.
Fed my fishes.
Hailed a cab.
And took the next bus on the way to Baguio.
Since Parker was with his friends, I wouldnt be able to talk to him that often so it was a good thing narin na umakyat ako ng Baguio dahil baka namatay na ako sa boredom sa bahay.
I arrived in Baguio at around 8PM and Lyve fetched me at the bus terminal.
Haaangggg lameeeeeggggg!!!
"LYVE!!!!! You lost weight but your boobs are still high as an elephants eye!", sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
"OA ka ha!Parang ilang taon ka nawala!", sabi niya.
Naglakad kami pababa ng Session Road para bumili ng yosi.
I missed the cold air of Baguio at night. Ang sarap mag-inhale-exhale habang naglalakad. Dedma na kung magtinginan ang mga tao.
Since Lyve had work, I crashed at Darnell's place that night.
Hinatid ko sa sakayan si Lyve at pumara ako ng taxi papunta sa dati naming bahay.
Inenjoy ko ang scenery ng Session Road, Magsaysay Road, at Bokawkan. Ang ganda parin ng Baguio pag gabi.
Pagdating ko sa bahay ni Darnell, nagulat siya, napasigaw, sabay yakap sa akin. And I thought OA na ako. No wonder magkakaibigan kaming lahat.
"Sweet andito sa bahay si Anton", text ni Darnell kay Marj.
Pagkatapos ng ilang segundo, nagring ang phone ni Darnell. Grabe ang lakas ng ringtone niya. Parang bawal nang magkaringtone sa Pilipinas.
"Teh!!! You're here!!!", sigaw ng lukaret na si Marj.
"Yes teh. What time ka uuwi?", tanong ko.
"1AM pa out ko so wag ka munang matulog. Magshot tayo pagdating ko. Nomo! Nomo!"
"Sure"
"Nga pala teh huge favor naman."
"Ano yun?"
"Pwede warlahin mo mga Customer Service reps ng Globe kasi isang linggo nang walang internet sa bahay? Pag ikaw kasi tumatawag sa kanila, inaayos nila agad eh"
"Sure teh tawagan ko sila mamaya"
"Sige I'll see you later. Balik na ako kasi meeting galore kami ngayon"
"Ok ok."
Syempre, walang katapusang kwentuhan lalo na nung dumating si Marj.
Pagdating ng umaga mukha akong Zombie dahil sa pagod, puyat, gutom, etc.
"So saan lakad mo ngayon?", tanong ni Darnell.
(To be continued)
Subscribe to:
Posts (Atom)