Thursday, October 7, 2010
Smoke Free Me? Que Horror!
Kaninang umaga sa office, ginagawa ko ang normal na routine ko. Sumasagot ng phone, nagchecheck ng e-mails, check ng fezbuk at blog, at kakwentuhan si SexyAnne.
Nung mga bandang 8AM, biglang nanikip dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Nagpaalam ako sa aking Senior na si SexyAnne kung pwedeng pumunta muna ako ng pantry para lumagok ng isang litrong tubig dahil nahihirapan akong huminga. Go lang sabi nya.
Habang naglalakad ako pabalik ng Ops Floor, biglang sumakit na talaga. Hindi na talaga ako makahinga to the point na masakit pag-inhale ko. Dumeretso na ako ng HR para humingi ng gamot or tulong or dasal or kahit ano.
Buti may tao nun sa HR ng ganun kaaga. Lets call her Emma.
"Ms. Emma, may gamot ka ba dyan?"
"Bakit Anton? Whats wrong? Masakit ulo mo?"
"I...cant...breathe", sabi ko trying to catch my breath.
Biglang nataranta si Ms. Emma at pinapunta ako ng clinic para humiga. After a few minutes pumunta sya dun namay dalang isang baso ng tubig at isang brown paper bag. Pagkatapos ng ilang minuto bigla kong naramdaman na nasusuka ako so dumeretso ako CR.
Paglabas ko ng CR, nataranta na ata talaga si Ms. Emma so pinakuha nya gamit ko sa station ko at lumabas kami ng office para dalhin ako sa hospital. Since ang pinakamalapit na hospital sa office eh ang East Avenue Medical Center at ang Veterans Memorial Medical Center, isa dun ang pinagpilian nya. Eventually sa Veterans kami pumunta.
First time ko dun, at sa totoo lang takot ako sa hospital or mga doctor or mga nurse. Feeling ko kasi mamamatay ako eh. I've had bad experiences with doctors and nurses in the past.
Ayun nilagay ako agad sa nebulizing room something something at kinabitan ako nung something na may oxygen. Dumating yung doctor and she performed some neurological tests on me. Why she did that is beyond me kasi last time I checked, medyo may kalayuan naman ang lungs ko sa brain ko diba?
Matapos nun, dinala ako sa isang room where they did an ECG on me. Kinabahan ako nun kasi ang daming cables at shit na kinabit sa akin. Feeling ko anytime may papasok na may dalang body bag. At nang matapos yung test na yun, pinabalik ako dun sa room para ma-oxygenate something ako.
May dumating na nurse para kuhanan ako ng dugo para matest daw nila blood chemistry ko. GRABE! Gusto kong iuntog yung nurse. Ginawa akong human voodoo doll. Hindi ata sya marunong kumuha ng dugo or sadyang kulang ang dugo sa katawan ko. Nakalima or anim na tusok sya bago ako nakuhanan ng dugo kaya eto namamaga yung braso ko.
After four grueling hours in the hospital, nirelease nila findings nila. Apparently everything is normal naman daw pero nagdrop daw talaga oxygen level ng katawan ko and my organs were shutting down thats why I felt pain when I tried to breathe and why I started throwing up.
The whole time I was in the hospital, tinatawagan ako ni Parker kasi nagaalala sya. Eh wala siya dito ngayon kaya ayun nagpanic. Si mama naman katxt ko ina-update ko sa kung ano nangyayari sa akin. Oh and by the way, Ms. Emma stayed at the hospital the whole time I was there na sobrang na-appreciate ko. Kaya Ms. Emma if you read my blog, thank you po, as in thank you talaga kasi tinakbo mo ako sa hospital at hinatid ako sa bahay.
By the way, ang advice ng doctor, wag na daw ako mag-yosi. Que horror! Que barbaridad! Can any of you imagine me without cigarettes? Pero mukhang ititigil ko na ang pagyoyosi kasi ayoko na makaramdam ng ganun. Nakakatakot, feeling ko talaga mamatay ako.
Well anyway, I am back in the comfort of my bed. Eto nagbloblog. I'm doing ok na pero nahihirapan parin akong huminga from time to time.
Sensya na kung medyo may pagka-nobela ang post kong to. I wanted it to be as graphic as I could make it with just one hand typing. ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Its hard to quit smoking but if you are going to die from it already I think that is one major thing that could convince you to do it =) Get well soon!
nakakatakot naman. I myself is a smoker as well. kailangan na yatang itigil talaga. Well pahinga kang mabuti Adam :)
Pagaling ka, friend. Balita ko nasa piling mo naman siya ngayon kaya may yakapsul at kisspirin ka.hehehehe.
Post a Comment