Lumapit sa akin kanina ang isang taga HR, may dalang folder.
"This is it!", sabi ko sa sarili ko.
May inilabas syang document mula sa folder.
"Anton, sign here please", sabi nya.
Pagkakita ko sa nakasulat sa papel, ngumiti ako na parang walang bukas. Inabot nya sa akin ang bolpen nya at dahan-dahan kong binasa ang nakasulat sa document. Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Feeling ko nga huminto ito saglit.
Grabe hindi ako mapakali. Dahan dahan kong nilapit ang bolpen. Pinirmahan ko na.
It's official! Regular na ako sa department namin!!! And that also means, tumaas na ang sweldo ko. Diba?! Tapos sa October 19, yun yung day na mareregularize ako sa company so makukuha ko narin ang mga benefits, allowances, and all that shit. Basta wala akong kalokohang gawin at hindi na ako ma-late for the next 19 days, pasok na sa banga ang regularization ko.
Nung isang araw pa ako kinausap ng sup ko tungkol dito pero syempre, its not official until I sign the dotted line ang drama. At least, it was a good way to end this month. Basta tumaas na sweldo ko, ok na yun. Up next, annual appraisal. Oh yeah!
Ayun lang, happy lang ako. Sana happy din kayo.
1 comment:
(^___________________^)
Ganyan oh sobrang happy LOL
Post a Comment