Tuesday, March 8, 2011

Sa Boon-dok Parin...

Ngumiti ako ng makita ko si Lyve.

Ngumiti din siya. 

Pagpasok niya ng gate, sinalubong ko siya at yumakap siya sa akin. Mahigpit na mahigpit. Akala mo 10 years kaming hindi nagkita. 

In fairness may pinagbago tong si Lyve. For one, she lost weight. Skinny bitch.  She stopped wearing glasses as well and started using contacts. Bagay sa kanya ang walang salamin.

"So why did you stop wearing glasses?" I asked.

"It messes up my mascara", she answered.

My jaw dropped. I never thought I'd live to see the day when I would hear those words from her.

I asked her to show me her tattoos.

There are Lyve's tits... I mean tats. They look really good up close and the details on the compass are amazing. I really thought she'd have one place in her boobs. Alas, she didn't.

At around 10AM gumising na tong si Parker kasi ang ingay daw namin. Pano ba naman kasi mega kwentuhan kami nitong si Lyve. Syempre mega yosi din. Lumabas ng kwarto si Parker at bumati kay Lyve. Nagtext bigla si Darnell na nasa Gecko daw sila ni Marj. Punta daw kami dun for breakfast.

"Hilamos lang ako", sabi ni Parker.

"Ok", sabi ko.

"He's cute ah. He looks much better in person", sabi ni Lyve pag-alis ni Parker.

"I know", sagot ko

"And he has a nice ass"

"I know", sagot ko sabay tawa.

Nagtaxi kami and despite the traffic eh dumating narin kami sa Gecko.

Ayun nakilala narin ni Parker si Lyve, Darnell at Marj. 
After eating, naglakad lakad na kami sa Session at Burnham para sa Session Road in Bloom at Burnham Park Market Encounter. Can I say na sa sobrang dami ng tao eh sobrang naiirita ako.

There's Lyve. She looks so different now. 

Lyve, Darnell, Marj, and Me

I know papatayin ako ni Lyve dahil nilagay ko to but I just couldn't help myself.

(To be continued)

Sa Boon-dok...


About two weeks ago, I decided na hindi pwedeng hindi ako umakyat ng Baguio for Panagbenga. So I did what I normally do in spur of the moment decisions like this. Kinulit ko ang mga officemates ko para makipagpalit ng day off sa akin. The only catch is, I would have to work for 10 days straight.

Ok fine. Go. Kesehodang gumapang akong papasok dahil sa pagod eh gagawin ko makaakyat lang ako.

So ayun, kinulit ko din si Parker na sumama sa akin. Pwede ba namang umakyat ako na wala siya? Syempre I want him to meet my friends back home.

So Friday night, pumunta na kami sa bus terminal. Dapat sa Victory Liner kami pero kamusta naman, 4AM ang susunod na biyahe. Very wrong.

Buti nalang nung nasa taxi kami eh may nakitang bus terminal si Parker na papuntang Baguio ang biyahe. So ayun naglakad kami papuntang Dagupan Bus Lines.

Nakakatuwa kasi eto ang pinakaunang vacation namin ni Parker. Habang nasa biyahe kami minsan sasandal ako sa kanya o kaya sasandal siya bigla sa akin. Tapos yung ulo niya nasa balikat ko. Eeeeee kinikilig ako hehehe.

Mga bandang alas-singko naalimpungatan ako.

"Malapit na tayo sa Baguio", sabi ni Parker.

Gising na pala siya.

"Hindi pa", sagot ko nakapikit pa.

"Nasa Baguio na tayo papa"

"Wala pa nga"

"Tingin ka sa labas"

Hinawi ko yung kurtina nung bintana at nakita ko ang sobrang daming ilaw sa may kabundukan.

"Ay oo nga no!" sabi ko. Ayun nagising tuloy ang diwa ko.

In fairness, umalis kami ng 12:15MN ng Manila at dumating kami ng Baguio ng 5:15AM. O diba?

Since masyado pang maaga, hindi pa kami makapagcheck-in sa hotel kasi may tao pa sa room namin. Tinawagan ko si Darnell para dun muna kami sa bahay kasi pagod na pagod tong si Parker at kelangan niyang matulog.

So dumaan kami ng office niya at kinuha ko yung susi ng bahay. Pagdating namin dun, humiga tong si Parker at yumakap sa akin. Wala pang 5 minutes eh borlogs na. Humihilik hilik pa.

Tinext ko ang isa sa mga kaibigan ko at sinabi ko kung asan kami.

Patulog na ako. Nararamdaman ko na ang antok ng biglang tumunog ang phone ko. May nagtext.

"Im already here"

Bumangon ako. Lumabas ng room. Binuksan ang pinto at may nakita akong papasok ng gate.

Si Lyve.

(To be continued...)

Friday, March 4, 2011

It Gets Better

To help the Trevor Project in the US, the young generation of Broadway stars came up with this song. For those who don't know about the Trevor Project, it's a support group for the LGBT community who experience bullying and homophobia from society.

The title of the song is "It Gets Better". Its an amazing song and the message of the song is so uplifting. This isn't a mainstream pop song so don't expect it to be. But I suggest you listen to it and the meaning of the song.



I lahveet!!!

Thursday, March 3, 2011

On A Monday Night


Sa bahay.

Kasama ko nanaman si Aludra. Ganito kasi, dahil binilhan ako ni Mama ng electric mixer, sinipag ako mag bake.

So ayun, tinawag ko si Aludra para pumunta sa bahay para naman may ka-kwentuhan ako diba at para matikman niya ang gagawin kong banana bread.

So habang naghahalo halo ako, nakaupo si Aludra at pinapanood ako. Syempre kwentuhan galore.

Nakakatuwa kasi para siyang bata, tinatanong bakit ko kelangan sukatin ng saktong sakto yung ingredients. Bakit ko kelangan i-sift ang dry ingredients. It's fun baking pag may kasama ka.

Nung nilagay ko na sa oven yung ginawa ko, ayun pumunta kami ni Aludra sa sala kasi 1 hour bago ma-bake yung banana bread.

As usual wala katapusang kwentuhan nanaman.

Eh biglang napadpad nanaman ang usapan sa aming mga buhay pag-ibig. Nagkwekwento ako tungkol kay Parker, si Aludra naman nagkwekwento tungkol sa jowa niya.

"Yung jowa ko hindi talaga siya showy", sabi ni Aludra.

"Ganun din naman si Parker", sagot ko.

"Even if he did cheat on me before, ok lang. Oo masakit pero hello? Ipagpapalit niya ako? Sa ganda kong to?!", sabi ni Aludra.

"Eh diba nga ang turo mo sa akin, basta alam niya kung kanino siya umuuwi eh ok na yun"

"Correct! Kasi at the end of the day, kahit sino man ang kinakalantari niya eh sa akin parin siya umuuwi kasi nga maganda ako!"

Nagtawanan kami bigla.

"Saka eto pa, since hindi siya showy eh hindi siya nag-a-i love you lagi pero ok lang yun. Sanay na ako na ako ang gumagawa ng mga bagay bagay yet the small things that he does eh sobrang na-aappreciate ko naman. Ganun kasi yun eh, kahit hindi na niya sabihin eh makikita mo naman na mahal ka nung tao. Pag dumating sa point na na-aapreciate mo yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya, kahit wala na yang i love you i love you na yan eh alam niyo na na mahal niyo ang isa't-isa."

Ngumiti ako.

"Puta ka! Iblo-blog mo nanaman to no?!", sabi niya bigla.

Ngumiti lang ako ulit.

Anu ba yan, ke umaga o gabi may mga emo moments kami nitong si Aludra.

No wonder we're friends.

Friday, February 25, 2011

For The Love Of Poi!

Seems just like yesterday I started Poi Dancing. Has it really been 3 years? Haaay. I remember nung nagstastart ako. I had no teacher. I practiced alone. YouTube was my bestfriend during that time. I remember the numerous times the Poi would hit my head, my back, my arms, and places that should only be handled with care.

I remember how I used to teach my friends. I also taught some people for a certain price. Yes, nagturo din ako ng fire dancing sa Baguio noon. 

Since I got my Flowlights, I decided to show you my collection of Poi. A true Poi dancer is never contented with one pair. Or two. Or three. 

These we're my first pair. They came from Davao. There's a group of FireDancers in Davao and they sell fabric poi. Eto ang ginagamit ko noong naguumpisa ako. Guess what? Pebbles and laman nung Poi head. Imaginin niyo nalang kung gano kasakit mahampas sa ulo niyan. Ang dami kong bukol nun.

These were my second pair. I bought them from a friend of mine who's from Planet Zips. These are called Catingkas and they are very light. Kakatuwa gamitin.

Since the tail of the Catingkas were detachable, I had more tails made hehe.

These are my glow poi. Ok naman kaso ang daling madumihan nung white na lalagyan niya. Ang problema ko lang dito eh ang mahal ng battery. Alam niyo bang bang isang libo ang batterya ng lintek na mga bolang yan. And as in nagiging super dim pag mahina na yung battery. Kalurks ah.

These are considered as sock poi. Made form net with a tennis ball inside, these are perfect for beginners. Though medyo masakit pag tinamaan ka nung ball lalo na kung tinamaan ka sa balls. Ohhhh they glow under UV lights

These are my fire zips. 

Hindi ko naman na sigurong kelangan magkwento tungkol dito diba?! I remember dati eh naiingit ako sa mga Poi Dancers na may ganito. Tapos lagi kong tinitignan to online wondering kung kelan ako magkakaroon ng ganito. Ayun, meron na ahihihi.

For my Poi, I prefer double-loop handles because they're easier to use saka mas maganda kung hawak ko sa poi pag ganito eh.

 Some of my Poi come in cute pouches like these. At least mas madaling itabi diba?

Ayan ang collection ko ng Poi. Adik lang no?

Conversations...

Me: Can I give her a refund?
Derek: No!
Me: She's Canadian! You're Canadian!
Derek: I dont care. Dont you know how much I hate Justin Bieber?!
********************

Me: I have something to tell you.
Zeke: What?
Me: I..uhhm...I'm...well... I'm gay.
Zeke: Hmmm...Cant say I'm surprised.
Me: What?!
Zeke: You like Wicked.
Me: What the fuck?!
********************

Libby: Teh second day palang ng training alam ko na.
Me: Ha? Pano?! Eh tahimik lang naman ako nun.
Libby: Pumasok kasi ako ng training room eh narinig kitang kumakanta ng 'I Hate This Part' ng Pussycat Dolls.
Me: Hahaha
********************

Mama: No cable signal for the past week. I am pissed off at Dream Cable.
Me: I've been telling you for the past 7 years to just get regular cable.
Tita Grace: Mad, you are mad.
MaMa: Fuming mad, in a murderous rage, damn all those incompetent idiots, they can all go fry in hell!
Tita Grace: I've never heard you this mad.
Me:  I have, but her anger was usually directed at me.
********************

Libby: He's the reason for the teardrops on my guitar..la la la. Teh gusto mo ba si Taylor?
Me: Lautner?
Libby: Hahaha. Hay naku teh wala na talagang pagdududa.
********************

Tess: Ton marunong ka bang magmake-up at mag-ayos ng buhok?
Anton: Mommy kelan lang ako nagladlad diba? Anong malay ko diyan?! Mukha ba akong may alam sa ganyan?!
Tess: Hahaha sira ulo ka talaga.
Me: Mudra pa-asembolin mo ako ng pc kaya ko kahit nakapikit.

Flowlights!!!

Medyo sesegway muna ako mula sa mga lovey-dovey na post kasi...

MY FLOWLIGHTS FINALLY ARRIVED!!!

When my Mom went to the US last December, eto ang kaisa-isang binilin ko sa kanya. The other bilins came after hihi. Anyway, ayun nga, I gave her the website where she can order these from. I honestly don't remember the website I gave her.

I gave her the instructions of what model to buy and I had her choose BlazeLace as the cord since they're much more sturdy. I asked her to have the handle double looped but these came with single loops. Either way, I still love them.

Ang cute cute pag inilawan. According to the website, these don't dim even if the battery is almost spent. Sana naman diba?! You can set them for 10 different modes para iba-ibang design habang iniikot-ikot mo na parang walang bukas. The weight is perfect by the way. Not too light and not too heavy.

You might be wondering kung bakit ngayon ko lang to blinog eh nung January pa naman dumating si Mama. Simple. Naiwan niya dun sa bahay ng Tita ko sa San Diego. Hindi kasi niya nilagay sa mga box na dala niya kasi baka daw maalog alog at masira. She decided to put it in her carry on pero nilapag daw niya sa table tapos ayun naiwan niya.

I was upset kasi I was looking forward to them pero ginawan ni mama ng paraan at ipinadala niya dito. Kaya ako ay happy na. I've already used them and they are just dandy.

At dahil ako to, pwede ba namang walang bidyo?! I tried taking pictures pero waley. They didnt come out good hehe.


Sensya na kung may kaliitan ang video. Hindi ko alam i-resize to eh. Sensya na kung repetitive yung steps. Tagal ko nang walang practice eh hehe.

Havey ba?

Tuesday, February 22, 2011

Listen To Him!

As usual, kinakalkal ko nanaman ang Youtube when lo and behold I found this guy. His name is Josh Chiu. Just listen to him and look at the expression on his face. So much passion. Plus he plays Disney songs.



Eto pa.



Oh diba?! Hindi ka-gwapuhan si kuya but with talent like that who the hell needs good looks. Click here to go to his Youtube channel.

Oh my gulay! Nakaka-inlove!

Watch niyo na. Now na!